• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Mga anak ni Regine Tolentino, ini-encourage siyang makipag-date

EXCLUSIVE: Mga anak ni Regine Tolentino, ini-encourage siyang makipag-date

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/22/2018 9:36 AM
EXCLUSIVE: Mga anak ni Regine Tolentino, ini-encourage siyang makipag-date


Photos credit to reginetolentino IG

 

Pagkatapos ng Ignite concert ni Regine Tolentino at paglabas ng desisyon sa annulment case niya sa ex-husband na si Lander Vera Perez sa June ay willing na raw siyang mag-entertain ng possible boyfriend.

Ani Regine, “Puwede na soon and I’ll try to make time for it so I can meet other people. Kasi right now, my world is kind of small, puro lang tayo-tayo, showbiz. Chill lang muna sa department na yon.”

Pangit daw kasing tingnan na hindi pa sila annulled pero nag-i-entertain na siya ng suitors.

“Ayoko rin namang sabihin na parang legally married pa ako tapos ano… So kapag ano na yan, talagang go, I’ll be free.

“And I’ll just take my time to explore. Hopefully it will come, the right person will come and perhaps siya na,” pahayag ng dating Star Circle Batch 1 member.

Pabor din daw ang kanyang dalawang anak na babae na magkaroon siya ng bagong love life. 

“Pero you know, sila mismo ang nagsasabi, ‘Mama, you should go date around. Mama, aren’t you going to go out. You should go out with your friends.’

“Sabi ko, ‘Anak, itutulog ko na lang, imbes na gumimik.’ Sila pa yung nag-i-encourage sa akin na I should go out, have fun and meet people because they know, maliit lang ang mundo ko,” kuwento niya.

Regarding her Ignite concert sa SM Skydome sa May 26, marami raw dapat abangan dito.

“We have an amazing show at talagang pinaghandaan namin. Ilang months na kaming nagpa-practice for our production number. Sobrang sexy, kakaiba itong show na ito compared to all of the other shows that has ever happened here sa Pilipinas na gawa ng isang Pinoy.

“We’re really going to make it super-hot, sexy, fierce, with beautiful costumes, amazing choreography, lots of singing and dancing at meron ding comedy,” pagmamalaki pa niya.