• Home
  • Fresh Scoops
  • Balak ba ni Ice Seguerra bumalik sa pagtratrabaho sa gobyerno?

Balak ba ni Ice Seguerra bumalik sa pagtratrabaho sa gobyerno?

No regrets din daw si Ice Seguerra sa kanyang ginawang pag exit bilang Chairperson ng National Youth Commission.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/22/2018 12:43 PM
Balak ba ni Ice Seguerra bumalik sa pagtratrabaho sa gobyerno?


Photo credit to @iceseguerra IG

 

Naging laman ng balita kamakailan ang singer performer na si Aiza ‘Ice’ Seguerra matapos ang kanyang naging pagbibitiw noon bilang Chairperson ng National Youth Commission.

Read: Ice Seguerra on quitting her government post: ‘Masaya akong kumakanta’

Naging usapan din ang pagtakbo umano ni Ice sa eleksyon para da mas mataas na posisyon sa pamahaalan.

“Dyusko, lumabas nga ako e papasok pa ba ako? It’s really a personal reason,” sabi ni Ice.

Kuwento ni Ice, no regrets din daw siya sa kanyang naging desisyon sa pag tanggap ng puwesto bilang chairperson noon ng National Youth Commission.

Aniya, masaya siya ngayon sa kanyang pagiging isang full time singer-performer.

“Ako yung tipo ng tao na, ‘It’s not even true so why will I let that affect me?’ Lumabas naman na yung katotohanan, nalaman naman na nila yung katotohanan. Okay na yun.”

Sa kanya naman na pag exit sa kanyang tungkulin bilang NYC chairperson, marami din daw baon si Ice na bagong mga aral.

“Actually very interesting, I learned a lot and nalaman ko din na napaka daming mabubuting tao sa gobyerno. It’s just sad na yung hindi mabubuti ang napapag usapan pa,” sabi pa niya.

“Marami din process sa government na magandang maintindihan din ng mga tao kasi madali lang ang manira,” pahayag pa ni Ice.

Tumagal si Ice da National Youth Commission ng one year and six months bilang Chairperson bago ang kanyang naging resignation noong Abril, 2018.