• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, hindi inakala na makakasama si Dingdong Dantes sa isang proyekto

Anne Curtis, hindi inakala na makakasama si Dingdong Dantes sa isang proyekto

After ‘TGIS’, ito ang muling pagsasama ni Dingdong Dantes at Anne Curtis sa isang proyekto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/22/2018 12:37 PM
Anne Curtis, hindi inakala na makakasama si Dingdong Dantes sa isang proyekto


 

Throwback memories ang naging kuwentuhan sa naganap na media conference ng upcoming movie ng Viva Films na Sid & Aya (Not A Love Story) na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Dingdong Dantes.

 

‘90s noong unang magkasama si Dingdong bilang si Iñaki at si Anne naman bilang si Emily sa programa noon na T.G.I.S.

 

Pag-alala ni Anne, 20 years ago pa nang huli niyang nakasama si Dingdong sa isang proyekto.

“Nakakasama ko si Dong, 20 years ago sobrang bata pa ako noon chuari-wa-riwap girl pa ako noon, super support lang kapatid ni Dino (Guevara) kapatid ni Antoinette (Taus) pinsan ni Kim (Delos Santos) mga ganyan ang roles ko partner ni Chubi (Del Rosario) (laughs). So hindi mo talaga iisipin na magiging magka-partner kami ni Dong in one movie,” masayang kuwento ni Anne.

Pag-alala naman ni Dingdong, si Anne ang pinakabata noon na miyembro sa kanilang set nag-marka dahil sa pagiging makulit nito.

“I remember at the time na she was 14 years old. Alam na alam ko yun kasi si Anne isa sa pinakabata sa set namin dati, and very, very familiar ang lahat sa kanya sa set, that’s why yung familiarity even 20 years na ang nakalipas andon pa din,” sabi naman ni Dingdong.

Dahil ito ang masasabi nilang reunion project nilang dalawa aminado si Anne at Dingdong na hindi na naging isyu da kanilang dalawa ang ilangan sa bawat eksena.

“After 20 years in the making, I think advantage na nagkatrabaho na kami dati kaya ngayon na nagkatrabaho kami medyo komportable and hindi nagkaka-ilangan,” sambit ni Anne.

Para naman kay Dingdong, perfect timing din daw ang kanilang pagsasama lalo ngayon na uso ang throwback ‘90s memories.

“Ako personally, I’m with someone who’s stuck in the ‘90s and nagkakilala kami nito ‘90s and the theme of the film is somehow may pagka-‘90s experience,” sabi pa ni Dingdong.

Pagdating naman sa love scene, ipinagkatiwala na daw ni Anne ang kanilang eksena sa kanilang direktor na si Irene Villamor.

“I guess for me Direk chose to attack the love scene as ethical na atake which is very now, very fresh. It is beautifully done by our director,” pahayag ni Anne.

Mapapanuod ang Sid & Aya (Not A Love Story) sa darating na May 30, 2018 in cinemas nationwide.