Sofia Andres nang dedma sa press sa MYX Music Awards?

Panoorin ang video mula sa isang blogger na nagsasabing nang dedma ang aktres sa press sa red carpet ng music awards show.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/21/2018 9:34 AM
Sofia Andres nang dedma sa press sa MYX Music Awards?


Photo credit: @iamsofiaandres on IG

 

Nagiging maingay na naman ang pangalan ni Sofia Andres matapos mapabalitang nang dedma at umiwas siya sa ilang press people sa red carpet ng MYX Music Awards noon May 15. 

Sa video na inupload ng isang blogger, makikitang pagkatapos mag-pose ni Sofia para sa ilang pictures ay nakipag-chikahan ito sa MOR 101.9 DJ na si Jhai Ho sabay ‘escape’ sa red carpet kahit tinatawag pa ng ilang media. 

Sa comments naman ng netizens, karamihan ay nagsabing wala naming ginawang masama ang aktres at sinabing respetuhin na lamang ito. 

Matatandaang nasangkot na si Sofia ilang buwan ang nakalipas matapos itong masabihan na suplada at walang pakialam habang iniinterview ng mga press. Agad namang nag-sorry ang dalaga sa kanyang inasal. 

Hi everybody, I just want to say sorry, really sorry for those who think that I ignored them, disrespected them, and think I never wanted to say hi or acknowledge them whenever they see me,” sabi ni Sofia sa kanyang Instagram post. 

READ: Sofia Andres apologizes for being disrespectful