• Home
  • Fresh Scoops
  • Megan Young, ano ang mga ginagawang paghahanda bago magka-baby?

Megan Young, ano ang mga ginagawang paghahanda bago magka-baby?

Aminado si Megan na gusto niya nang mag-kapamilya at the age of 30.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/21/2018 9:58 AM
Megan Young,  ano ang mga ginagawang paghahanda bago magka-baby?


Photo credit: @meganbeta on IG

 

Kasal na lang ang kulang sa pitong taong relasyon nina Megan Young at Mikael Daez. Ayon kay Megan, naiiyak siya tuwing nakakakita ng ikinakasal tulad na lang nung wedding nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

“Happy ako for them kasi weddings always bring tears to my eyes. Saka kahit hindi ko kilala ’yung tao, parang past time ko na manood ng wedding videos,” natatawang kuwento ng former Miss World.

Patuloy niyang kuwento, “I just like seeing people happy. It’s something, you know, that really makes me happy. Kunyari kapag bored, ’di ba, ’yung mga wedding videos, favorite ko ’yung mga ganyan.

“Dati, gusto kong gumawa ng mga wedding videos ng mga kaibigan ko, but it’s really hard work. So, I just enjoy watching them.”

Kahit marami siyang napapanood na wedding videos ay wala pa naman daw pressure sa kanila ni Mikael na magpakasal.

“No pressure naman sa amin na magpakasal. We’re both busy with work. So, enjoy-enjoy na lang muna and when we feel that the time is right, ’yun na ’yun,” sabi pa niya.

Pero aminado naman si Megan na dream niya rin talaga na magkaroon na rin ng sariling pamilya.

Aniya, “In the future, I want to be able to have my own household and take care of my family in the future. I want to be a hands-on mom in the future pero that’s something na medyo malayo pa but that’s something I’ve always dreamed of.”

Twenty-eight years old na si Megan at gusto raw niya  na pag-reach ng mga 30s, gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya.

“That’s my goal and siyempre, ayoko rin naman na I’d be too old to have children. Ayokong dumating sa punto na mahihirapan na ako magka-anak. Kahit na sinasabi kong it’s not gonna happen now, siyempre, it’s in the semi-near future na rin.

“So, pinaplano ko rin ’yan. I need to prepare my body and my health para when these things happen... kaya lagi n’yo akong nakikita na nagwo-work-out.

“It’s a commitment na lifestyle wise, gusto ko, healthy ako, gusto ko fit ako pag nagkaroon na ako ng anak. I think it’s in preparation for a lot of things, not just for having kids, but also for my health. Health is wealth, ’di ba? So, gusto ko, prepared na ako for anything that may happen,” pahayag niya sa PUSH.