• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, kinwento kung paano kinahiligan ang pagluluto

Judy Ann Santos, kinwento kung paano kinahiligan ang pagluluto

Sinabi ng aktres na nine years in the making ang kanyang online show na Judy Ann’s Kitchen.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/21/2018 9:13 AM
Judy Ann Santos, kinwento kung paano kinahiligan ang pagluluto


 

Sa ulat ng Rated K, eight years old pa lang diumano si Judy Ann Santos nang makahiligan niya ang pagluluto. “I’d wake up to the smell of ginisa or maririnig ko yung mga ingay ng mga sandok saka gusto ko yung naghahalo ako ng kawa-kawa,” sabi ng aktres. 

Dagdag niya, “So ngayon ang training ko magluto ng para sa maraming tao.” 

Kwento pa niya, nine years ago pa nila naisip ng asawang si Ryan Agoncillo na magkaroon ng cooking show online pero hindi pa daw siya noon confident sa kanyang culinary skills. Kung kaya naman nauna i-launch ang award-winning cookbook ni Juday na Judy Ann’s Kitchen noong 2015. 

Pero noong 2017, natupad na sa wakas ang online cooking show ni Judy Ann na tinawag ding Judy Ann’s Kitchen. “Parang gusto kong ipakita yung reality of what’s happening when you cook in your own kitchen. Wala kaming script, wala akong recipes. Yung staff ko isusulat lang nila yung recipe habang nagsu-shoot kami, ganun kami ka-spontaneous. Napaka-organic.” 

Nagkwento din si Judy Ann tungkol sa mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna. “Ngayon, mas exciting lang kasi Luna’s two already so nakakausap mo na. Naa-appreciate na niya yung pagtakbo-takbo. Nakakaalala na siya. Si Lucho is always excited to go places, like he would tell me I want to go to Palawan, to go to Batanes.” 

Hangga’t maari ayaw diumano ni Juday na mamiss ang paglaki ng mga anak niya, lalong-lalo na ang mga milestones sa buhay nila. “Ang bilis-bilis ng panahon kaya as much as possible yung mga milestones nila, yung mga football games, communion lahat.” 

Sinabi din ni Juday kung bakit importante ang pagiging present niya sa buhay ng mga anak. “As you get older as a parent, you tend to be more soft, yung mas emotional ka, mas kakapit ka sa memories kasi ito na lang yung panghahawakan mo.”