Is Agot Isidro running for Senator?

Sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na inalok nila ang aktres na tumakbong senador sa ilalim ng Liberal Party.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/21/2018 2:51 PM
Is Agot Isidro running for Senator?


Photo credit: @agotisidro on IG

 

Maugong ngayon sa social media ang online protest para sa napipintong pagtakbo bilang senador ng singer actress na si Agot Isidro.

Nagsimula ito nang pangalanan ni Senator Kiko Pangilinan sa programang Head Start ni Karen Davila ang aktres bilang isa sa nililigawan ng Liberal Party para sa binubuo na 2019 Senatorial Line Up.

Ayon kay Pangilinan, Kailangan ng Liberal Party ng mas maraming kababaihan para sa kanilang line up.

“We’ve discussed this, we had several meetings not on the campaigns not on her being a candidate, all about issues affecting the nation today, Extra Judicial killings, issues on China. She’s been very active,” panayam ni Karen Davila kay Senator Pangilinan.  

“And on one of those meetings, not a political meeting, we asked her question if she’s open (to run for senator) of course she was hesitant, but then we said precisely we need more women to step up,” dagdag pa ni Senator Kiko. 

Watch: Liberal  party eyes Agot Isidro in 2019 senate slate 

Nakilala si Agot kanyang awitin na “Sa Isip Ko” at tatak na pagganap bilang love interest ni Aga Muhlach sa sitcom na Oki Doki Dok at iba pang Kapamilya programs.

Matatandaan na naging vocal ang singer-actress sa kanyang social media nang tawagin niyang isang ‘psychopath’ si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, wala pang desisyon si Agot kung tatanggapin nito ang alok na tumakbo bilang isang lingkod bayan sa ilalim ng Partido Liberal.