• Home
  • Fresh Scoops
  • Comedian Jobert Austria on Ellen Adarna: 'Hindi pa siya nanganganak'

Comedian Jobert Austria on Ellen Adarna: 'Hindi pa siya nanganganak'

Jobert Austria, nakiusap sa mga tao na pabayaan na si John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/22/2018 12:33 AM
Comedian Jobert Austria on Ellen Adarna: 'Hindi pa siya nanganganak'


Photo credit to: @johnlloydcruztm (L) IG and @kuyajobertt (R) IG

 

Sa TV Patrol, nakausap ni MJ Felipe ang komedyante na si Jobert Austria tungkol sa kontrobersyal na showbiz couple na sina.Ellen Adarna at John Lloyd Cruz. Kaibigan si Jobert ng aktor na nakasama niya sa sitcom na "Home Sweetie Home." Ayon sa ulat, nagkita si John Lloyd at Jobert bago pumunta ng Palawan ang dalawa.

Diretsa ding sinagot ni Jobert ang mga tanong tungkol kay John Lloyd at Ellen. Nang tanungin kung nanganak na si Ellen, ani Jobert ay, “hindi pa siya nanganganak. Hindi totoong nanganak na. Pinapangunahan lang ng mga tao. Pabayaan niyo na sila.” 

Dagdag pa niya, masayang-masaya ang aktor ngayon. “Mali yung mga sinasabi nila na hindi siya masaya. Masayang-masaya siya ngayon. Nakita ko siya e. Sabi ko nga, mamimiss mo rin yan. Sabi niya siguro pero sa ngayon hindi ko pa iniisip.” 

May pakiusap din siya sa mga nagsasabing walang utang na loob si John Lloyd sa showbiz. “K[ayo kung mahal niyo talaga si John Lloyd. Kasi ang dami naman niyang naibigay sa inyo nun e, pinasaya niya kayo. Ang dami din niyang na-encourage dati. Ang tao normal lang na nagkakamali. Wag niyo na siyang sakyan sa likod para lumubog di ba?

Ayon pa sa ulat, naging close ang komedyante sa award-winning actor dahil sa pagtulong ni John Lloyd sa personal na problema ni Jobert.