• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis sinabing 20 years niyang inantay makatrabaho si Dingdong Dantes

Anne Curtis sinabing 20 years niyang inantay makatrabaho si Dingdong Dantes

Bida si Anne at Dingdong as pelikulang “Sid & Aya (Not a Love Story).”

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/21/2018 9:56 AM
Anne Curtis sinabing 20 years niyang inantay makatrabaho si Dingdong Dantes


 

Twenty years ang hinintay ng fans nina Dingdong Dantes at Anne  Curtis para magsama sila sa isang pelikula. Bida ang dalawa sa Sid & Aya (Not A Love Story) ng Viva Films at N2 Productions.

Natatawang kuwento ni Anne, “Sobrang bata pa ako no’n, chuwariwap girl lang ako no’n, support-support lang. Kapatid ni Dino (Guevarra), kapatid ni Antoinette (Taus), pinsan ni Kim delos Santos, mga ganyan-ganyan roles ko, partner ni Chubi (del Rosario).”

Naging madali rin daw kay Anne na makipagtrabaho kay Dingdong dahil may pinagsamahan sila noon.
“So after 20 years in the making, I guess, it helped in a way na nagkatrabaho na kami dati. So ngayon na nagka-work kami, medyo kumpor­table, hindi nagkakailanganan.

“So I guess it worked in our favor na siguro nagka-work na kami 20 years ago. Ako, para sa akin, naging okay ang working experience kasi nagka-work na kami dati,” sambit pa ni Anne.

Ayon naman sa kuwento ni Dingdong, 14 years old pa lang si Anne and  he’s 18 nung nagkatrabaho sila.
“Si Anne, isa sa pinakabata sa set namin noon. Very, very familiar kami sa kanya. That’s why ‘yung familiarity di siya nawala even 20 years na ang nakalipas bago pa kami nagsama,” sey pa ng aktor.

Samantala, kahit kasal na si Anne kay Erwan Heussaff, wala pa rin daw siyang restrictions sa pagtanggap ng role sa pelikula.

“Well, sa akin, Erwan is always so supportive of any role that falls into my lap. Any script, lagi siyang excited to hear about what the story.

“The first time he saw the trailer nga, he’s like, ‘wow, it’s actually different from all the films I’ve seen before,’  so, excited nga siyang mapanood.”

Ayon naman kay Dingdong, excited din ang misis niyang si Marian Rivera na mapanood ang Sid & Aya (Not A Love Story).

“Nung nakita niya ‘yung teaser pa lang, talagang naintriga na talaga siya and she thought that it was something different. Pero sa akin kasi, ‘yung pagkakaintindi niya sa akin sa trabaho ko, alam niya kung gaano ko kamahal ‘yung pelikula.

“So, talagang nandu’n siya to support kung anuman ‘yung gusto kong gawin especially in this line of work,” huling pahayag ng aktor.

Showing na ang Sid & Aya (Not A Love Story) on May 30 mula sa direksyon ni Irene Villamor.