Baby number 2 nasa plano na nila Chito Miranda at Neri Naig

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/20/2018 4:19 PM
Baby number 2 nasa plano na nila Chito Miranda at Neri Naig


 

Aminado ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig na plano na nilang sundan ang kanilang panganay na anak na si Baby Miggy.

Sa panayam na ito ng entertainment press, naging biruan kung kailan masusundaan ang kanilang only child.

Next year!” Bungad agad ni Neri. 

Para naman kay Chito, plano niyang sundan ang kanyang baby boy pag nag-three years old na ito.

“Kapag three na ito, mga two years three months para sabay sila ng birthday,” sabi naman ng frontman ng bandang Parokya ni Edgar.

Proud din daw si Neri na gaya ng kanyang asawa, nahihilig din daw sa music ngayon ang kanilang two year old baby boy.

 

 

 

Little Mr Suave #OurSonMiguel #LittleMrSuave #DonMiguel #OneYearOld

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

 

“Oo, kay Bruno Mars. At mahilig siya sa drums, so binilhan siya ng daddy niya ng drum set. Ayun hinahayaan namin ngayon. Kinahihiligan din niya minsan ang painting,” kuwento pa ni Neri.

Simple at larawan ng isang masayang pamilya sina Chito at Neri kaya naman kahit na abala man sa kani-kaniyang mga career focused at sentro pa din ng kanilang atensyon ang kanilang pamilya.

Ito din ang naging dahilan ni Chito para bawasan ang kanyang oras sa mga gig.

We had our meeting at na discuss namin na let’s limit it to at least, huwag naman na araw-araw, kasi minsan in a whole month parang 15 na tugtog eh, tapos iba ibang lugar so I have four to five days in a month stay lang with our family so parang ang hirap,” pahayag pa ni Chito.