Paulo Avelino, may nakitang pagbabago kay Bea Alonzo

Ayon kay Paulo Avelino, maraming unexpected twists sa bago nilang pelikulang ‘Kasal.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/2/2018 11:13 AM
Paulo Avelino, may nakitang pagbabago kay Bea Alonzo


 

Pinag-usapan sa social media ang teaser ng bagong pelikulang Kasal kung saan isa sa mga bida si Paulo Avelino kasama sina Bea Alonzo at Derek Ramsay.

Ayon kay Paulo, pang-gulat ang kanilang mga eksena at ‘di aasahan ang mga twist sa pelikula.

“It talks about so many things, about relationships and even beyond that. Even the dark secrets that are being kept. And there will be unexpected scenes that viewers wouldn’t expect,” sabi pa ni Paulo.

At sa muli nilang pagsasama sa isang proyekto, marami daw na-discover na bago si Paulo tungkol kay Bea.

“Something I discovered new about her… siguro nag-lifestyle change siya. Lifestyle change meaning she eats healthy and she works out more often,” kuwento pa ni Paulo.

Bukod sa Kasal, nagbigay update din si Paulo sa Goyo Ang Batang Heneral.

“I think ginagawa muna nila lahat yung post, specially yung CG and tsaka na muna nila pagde-desisyunan kapag lumabas na yung print,” pahayag pa ni Paulo.