• Home
  • Fresh Scoops
  • MNL48, ikinuwento ang mga pinagdaanan para mapasali sa grupo

MNL48, ikinuwento ang mga pinagdaanan para mapasali sa grupo

Nagpasalamat din ng MNL 48 Girls sa kanilang dumaraming supporters.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/2/2018 9:59 AM
MNL48, ikinuwento ang mga pinagdaanan para mapasali sa grupo


 

Sa unang pagkakataon, humarap sa entertainment press ang mga miyembro ng MNL48 na kinagiliwan nga marami sa It’s Showtime.

 

Ang MNL48 ay ang Pinoy franchise ng all-girl sing and dance group mula edad 15 to 20 years old. Ang MNL48 ay hango sa highest-selling all-girl group sa Japan na AKB48.

Nitong nagdaan weekend (April 28), ipinakilala na si Sheki (Shekinah Arzaga) sa It’s Showtime bilang “Center” ng first generation ng MNL48.

 

In the end its not all about winning the competition wearing the crown, cape, sash, trophy and sitting on a beautiful grande chair, because what’s more important for me is that I won people’s hearts more than those material things. Thank you those who supported me in this journey. You really made my dreams come true. You gave me the chance to inspire people especially the youth to strive and reach for their dreams. This is for my family. This is for you. This is for my one and only, God. 💫 I’m MNL48 Sheki, and I am ready to explore the world and share my God-given talents. Please support the whole group and we will do our best to make you proud. 🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭

A post shared by Sheki Arzaga (@mnl48sheki) on

 

Si Sheki ang nag number one sa overall voting at performance. Bukod kay Sheki stand out din ang ilang dalaga na pasok naman sa Top 7.

Shekinah Igrata Arzaga [Center]
Abelaine Saunar Trinidad 
Marsela Mari Dela Cruz Guia
Christine Ann Coralde Coloso 
Zennae Abale Inot
Alice Margarita Reyes De Leon
Sharlene Trixie Caceres Tano

Sa naging kuwento ni Sheki, punong-puno ng challenges ang kanilang kinaharap para sa kanilang pangarap.

“Simula palang po, ramdam na po ang challenge sa mga perfromance namin. Ako po marami po akong na-experience na barriers at hindrances, pero lahat po iyon hindi po ako nagpa-apekto at kung madadapa po ako ng paulit-ulit, paulit-ulit po akong mag try para sa pangarap ko.” 

Humarap man sa challenges thankful din ang mga dalaga para sa mainit na supporta na kanilang natanggap mula sa kanilang mga pamilya, kaibigan, at unti-unting dumaraming mga fans sa social media.

“Nagpapasalamat po kami sa suporta ng mga supprters po namin at mga pamilya po namin. Wala po kami dito kung hindi dahil sa kanila,” pahayag pa ng MNL48.

Ang Top 7 ng MNL48 ay pupunta ng Japan para mag training under AKS na prestigious international talent management ng AKB48.

Bukod sa international training, isang recording contact din under Star music ang matatanggap ng MNL48 Girls.