WATCH: Goyo Ang Batang Heneral’s second teaser released

Mapapanood na din ngayong Setyembre ang pinakaabangang historical film ng taon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/2/2018 7:34 PM
WATCH: Goyo Ang Batang Heneral’s second teaser released


Photo credits: @goyoangbatangheneral IG

 

Opisyal nang inilabas ng TBA Productions sa kanilang social media accounts ang pangalawang teaser ng isa sa mga inaabangan na pelikula ng taon, ang Goyo Ang Batang Heneral.

 

Ito ang kasunod ng blockbuster historical movie na Heneral Luna na pinagbidahan ni John Arcilla at ipinalabas noong 2015.

 

Sinabi din sa teaser ang playdate ng naturang pelikula.  Sa darating na September 5, masasaksihan na ang pag ganap ni Paulo Avelino bilang ang bayaning si Gregorio Del Pilar, sa direksyon ni Jerold Tarog.

Bahagi din ng pelikula sina Epi Quizon, Mon Confiado, Gwen Zamora, Ahron Villena at Carlo Aquino.