• Home
  • Fresh Scoops
  • Planong stage musical para sa mga awitin ng Parokya ni Edgar hindi type ni Chito Miranda

Planong stage musical para sa mga awitin ng Parokya ni Edgar hindi type ni Chito Miranda

Chito Miranda, binawasan ang pagtanggap ng trabaho para matutukan ang pamilya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/19/2018 10:56 AM
Planong stage musical para sa  mga awitin ng Parokya ni Edgar hindi type ni Chito Miranda


Photo credit to @chitomirandajr IG

 

Mas inspirado daw sa trabaho ngayon si Chito Miranda na lead vocalist ng iconic Pinoy band na Parokya ni Edgar.

Kuwento ni Chito para ito sa anak nila ni Neri Naig na si Baby Miggy

 

 

“Ever since naman ganado na ako at masipag ako mag work e, pero ngayon iba na ang priorities ko. Unlike before I work hard kasi gusto kong bilhin ang lahat ng gusto kong bilhin, ngayon I work hard kasi gusto ko yung future ni Miggy set na,” bungad ni Chito.

Kuwento ng Parokya ni Edgar vocalist na nag-request siya sa kanilang management team na bawasan ang kanilang oras sa pagtugtog.

“Medyo nagkaroon kami nang sitwasyon with our management, kasi nung nagkaroon ako ng family parang, dati kasi yung managers talaga namin mukhang pera talaga yun (smile) talagang work ng work ng work and they don’t care if we have time for our families,” paliwanag ni Chito.

 

 

 

Tirik na tirik ang araw dito sa Tagaytay! Sobrang init! Ngayon, pwede ko na isumbat kay Neri kung bakit good idea na nag-invest ako sa aircon para sa sala hehe! Nung una kasi, medyo against sya sa idea na ipa-aircon ko yung sala. Alam nyo naman yun, hangga't maaari, mas gusto na wag akong gumastos. May mga aircon naman daw kami sa mga rooms so dun nalang daw kami tumambay kapag mainit. Pero pinaglaban ko yung gusto ko. Sabi ko minsan mas gusto ni Miggy tumambay sa sala. Minsan din madami kaming bisita at hassle naman kung sa kwarto pa kami tatambay. Sabi ko din, minsan hassle kumain kapag mainit kahit gaano kadaming electric fan. Tsaka sabi ko, minsan minsan lang naman at grabe naman tayo pareho magtrabaho, ano ba naman yung ispoil natin ang sarili natin. Sabi ko ok lang gumastos pagdating sa comfort sa bahay para sa pamilya. Ang drama ko nga kahit aircon lang yung pinag-uusapan namin eh hehe! Kaya ayun...ako ang nag-wagi. Ngayon, ang sarap sarap tumabay sa sala kahit sobrang mainit ang panahon. Ako ang hero. Ako ang tunay na wais na mister hehe! Pramis...super sulit! @greeaircon #greeaircon #greeinverter #greefloorstanding

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

 

 

“But we had our meeting at na-discuss namin na, ‘Let’s limit it to at least huwag naman na araw-araw’ kasi minsan in a whole month, parang 15 na tugtog e, tapos iba-ibang lugar so I have four to five days in a month stay lang with our family so parang ang hirap,” sabi pa ni Chito.

Taong 1993 nang magsimulang sumikat ang mga kanta ng Parokya ni Edgar. Aminado din si Chito na marami ng offers na gawan ng musical ang mga ito.

 

 

“Dati pa sa amin ino-offer yan, pero sa akin lang hindi ko trip. Feeling ko our songs are not iconic enough eh that’s the reason why na ayoko din nag meme-major concert eh. Siguro kapag ginamit ang kanta namin sa isang play that would suck!” pahayag pa ni Chito.