Jameson Blake idiniin na hindi siya lumaki sa yaman

Jameson Blake nagkuwento tungkol sa kanyang magulang at stepfather.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/19/2018 10:41 AM
Jameson Blake idiniin na hindi siya lumaki sa yaman


Photo credit to @hashtag_jameson IG

Sa Tonight with Boy Abunda, nagshare ng ilang detalye tungkol sa personal niyang buhay si Jameson Blake bilang patunay na hindi siya laki sa yaman. “It’s not how it looks like. I came from a broken family. Yung parents ko separated. Yung biological Dad ko nasa Hong Kong.”

English tutor diumano ang dad niya sa mga Chinese. Ang mom naman daw ni Jameson ay, “Happily married with my stepdad ngayon. Actually, they were a couple before. Then after twenty years when they came back to the Philippines they got back together.”

Dating baker ang mom ni Jameson sa Hong Kong pero bumalik daw ito ng Pilipinas noong sumali siya sa Pinoy Big Brother, “And I told her to just stay here instead so she can take care of my sister and my older brother.” Nasa Pampanga diumano ang pamilya ni Jameson.

Ayon pa kay Jameson, “I’m a breadwinner sa family ko.”

Nang tanungin naman tungkol sa stepdad niya, sagot ni Jameson ay, “I’m really close with him. My stepdad did a lot of sacrifices for me when we started here in the Philippines. When we moved in, we went through a hard time din and he helped us. He was there for us so I love him. I look at him as my dad din.”

Lagi pa rin naman daw niya nakakausap ang biological dad niya. “Oo naman, all the time and he appreciates how my stepdad is taking care of us.” Dagdag pa ni Jason nagbibigay suporta pa rin naman ang biological dad niya.