• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Loyzaga's throwback photo in Boracay Island causes online controversy

Diego Loyzaga's throwback photo in Boracay Island causes online controversy

Kasalukuyan ngayon na naka sarado ang Boracay para sa anim na buwan na rehabilitaton program ng isla.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/19/2018 1:53 PM
Diego Loyzaga's throwback photo in Boracay Island causes online controversy


Photos credit to @diegoloyzaga IG

 

Tila hindi nagustuhan ng netizens ang recent Instagram post ng Kapamilya actor na si Diego Loyzaga, kung saan nagtatampisaw siya sa isla ng Boracay.

Matatandaan na kasalukuyan na sumasailalim ngayon sa six months na rehabilitation program ang Boracay na ipinag-utos mismo ng Pang. Rodrigo Duterte.

Sa Instagram post ni Diego, kasama niya ang dalawa pang kaibigan habang naglalakad sa puting buhangin ng paraisong isla.

Sa comment section ng instagram post ni Diego, ilang netizen ang hindi nagustuhan ang beach post ng binata na inaakusahan ng di pagsunod sa batas.

Pero dipensa ni Diego, “Throwback picture ito” na kanyang sagot sa akusasyon ng pagkakaroon ng koneksyon sa gobyerno dahil sa amang si Cesar Montano, na isang opisyal sa Department of Tourism.

Kasalukuyan din na nasasangkot ngayon sa kontrobersya si Cesar dahil sa ilang proyekto na pinamunuan niya sa DOT na may questionableng pondo ayon sa bagong DOT secretary na si Bernadette Romulo-Puyat.