• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo, nagbigay pahayag sa pag-iwas na ni John Lloyd Cruz sa showbiz

Bea Alonzo, nagbigay pahayag sa pag-iwas na ni John Lloyd Cruz sa showbiz

Aminado si Bea na nami-miss niya na makasama ulit si John Lloyd Cruz sa isang pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/19/2018 11:02 AM
Bea Alonzo, nagbigay pahayag sa pag-iwas na ni John Lloyd Cruz sa showbiz


Photo credits to @beaalonzo IG (L)

 

Sa naging one-on-one interview ni Bea Alonzo sa Tonight With Boy Abunda, inamin ng kapamilya actress na isa ang aktor na si John Lloyd sa mga nami-miss niya na makatrabaho muli.

WATCH: Bea, gustong gusto na raw ulit maka-trabaho si John Lloyd

“He’s such a brilliant actor, gustong-gusto ko na siya maka trabaho ulit. I miss working with him in a movie.”

Nagkapareha si Bea at John Lloyd sa ilang blockbuster movies gaya ng Close To You, Miss You Like Crazy, The Mistress, One More Chance, at A Second Chance.

Kaya naman nahingan natin ng pahayag si Bea sa tila paglihis na umano ni John Lloyd sa mundo ng showbiz, Ito’y matapos umiwas na ang aktor na magpa-interview sa ABS-CBN Entertainment News reporter Mario Dumaual sa isang art exhibit sa UP Campus.

WATCH: John Lloyd, gustong mag-focus sa sining

“Sasabihin ko pa din na gusto ko padin siya makatrabaho, but of course if that is his decision. Siyempre we have to respect that.”