• Home
  • Fresh Scoops
  • SPOTTED: Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, nag-date sa "Kasal"

SPOTTED: Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, nag-date sa "Kasal"

Dating na nga bang muli ang status ng aktres at Mayor ng QC?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/18/2018 9:28 AM
SPOTTED: Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, nag-date sa


 

Wala sa latest post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang tungkol sa date nila ni Mayor Herbert Bautista na nangyari kagabi (May 17).

Marami ang nakakita na magkasama ang dalawa na nanood ng sine sa isang sinehan sa Quezon City. May pictures pa ang dalawa at obvious na hindi naman nila itinatago ang ginawang panonood ng sine.

Ayon sa post ni Kris, balak niya talagang panoorin ang "Kasal" to show her support to Bea Alonzo. May review din siya about the movie na ipinost niya sa IG.

 Yon nga lang, wala siyang post ng photo nila ni Mayor Bistek na magkasama. Bakit kaya?

Anyway, sabi pa ng aming source, nag-enjoy sina Kris at Bistek sa panonood ng movie. May time din daw na hindi naiwasan na mapaiyak si Kris sa ilang eksena ng pelikula na pinagbibidahan din nina Paulo Avelino at Derek Ramsay at idinirek naman ni Ruel Bayani.