• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel Rodriguez, naghahanda na sa kanyang pagbabalik telebisyon

Mariel Rodriguez, naghahanda na sa kanyang pagbabalik telebisyon

Nagapasalamat din si Mariel Rodriguez sa suporta mag kanyang mister na si Robin Padilla.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/18/2018 10:13 AM
Mariel Rodriguez, naghahanda na sa kanyang pagbabalik telebisyon


 

Handa na muling bumalik sa trabaho ang TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla matapos tutukan ang kanilang panganay ni Robin Padilla na si Baby Isabella.

Sexing-sexy at glowing si Mariel na nag-loose na ng 40 pounds sa kanyang timbang.

“I’m hoping sana and siguro naman maintindihan na ng mga tao na nagkaroon ako ng baby. Hindi naman yun na kumain lang ako na ginusto ko lang ito, ‘di ba?”

 

Aminado si Mariel na nami-miss niya ang buhay hosting at kaliwa’t kanan na schedule sa showbiz.

“Hindi ko pa alam kung paano ko siya i-juggle, another thing that I’m going to have to learn kasi now I have a baby. Before, the whole time I was just working ganyan, ngayon paano ba yan ginagawa ng isang working mom,” sabi ni Mariel.

“Definitely It will still be Showtime. Yes, so Showtime and magbubukas ulit ang bahay ni kuya so sana sana,” dagdag pa ni Mariel.

Sa kanya namang balik-alindog program, pinasalamatan ni Mariel ang suporta sa kanya ng kanyang asawa.

 

“Alam mo I wouldn’t be able to do lahat ng ginawa kong iyon kung hindi ako sinuportahan ni Robin. Kasi even during the time na I was super fat, not once na nag-complain siya, not once na pinaramdam niya sa akin na pangit ako. Alam niya na ginagawa ko lahat ng sacrifice na yun for our baby and he was so proud of me. That really mattered the most,” pahayag pa ni Mariel.

15 more pounds off ang target i-achieve ni Mariel bago ang kanyang tuluyan na pagbabalik telebisyon.