CONFIRMED: JC de Vera is now a father

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

5/18/2018 8:16 PM
CONFIRMED: JC de Vera is now a father


Photos credit to the owners

 

Matapos ilabas ng isang entertainment blog site ang litrato ng aktor kung saan may kasama itong bagong silang na bata, naging usap-usapan kung isa na ba siyang ganap na ama.

Kinumpirma naman ng kanyang manager na si Leo Dominguez na isa na ngang ama ang 32-year-old actor.

“I’m proud to be one,” ani JC na inilahad ng kanyang manager sa PEP.

“Private nga po lang ‘yun, kasi non-showbiz po ang mom ng anak niya. Hanggang doon na lang po muna,” dagdag pa ni Leo.

Sa kasalukuyan, wala pa namang litrato si JC ng kanyang anak sa kanyang social media accounts ngunit hindi lingid sa kaalaman ng publiko na isang pribadong tao ang Since I Found You star noon pa man.