• Home
  • Fresh Scoops
  • Anak ni Mars Ravelo sa mga naiinip sa bagong Darna: ‘Ang work of art needs time’

Anak ni Mars Ravelo sa mga naiinip sa bagong Darna: ‘Ang work of art needs time’

Rex Ravelo, may mensahe sa mga naiinip na sa muling paglipad ni Darna. by Kiko Escuadro

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/18/2018 10:03 AM
Anak ni Mars Ravelo sa mga naiinip sa bagong Darna: ‘Ang work of art needs time’


 

Present sa gala night ng Ding, Ang Bato! stage musical ng School of Design and Arts students ng College of Saint Benilde ang isa sa mga anak ni Mars Ravelo na si Rex Ravelo.

Si Mars Ravelo ang utak sa likod ng mga sikat na pinoy superheroes tulad nina Captain Barbell, Dyesebel, Lastikman, at Darna.

Kuwento ng ika-pitong anak ni Mars Ravelo na si Rex, labis na kasiyahan ang kanyang nararamdaman para sa ganitong klase ng mga proyekto.

“Mahirap i-describe ang nararamdaman ko ngayon. Mahirap ma-predict na magkakaroon ng ganitong musical ang Darna. It’s really big honor for the family na magkaroon ng ganito,” bungad ni Rex.

 

Aniya, hindi naging mahirap sa kanila na payagan ang mga estudyante na gawin ang proyekto dahil sa malapit ito sa kanilang puso.

“Yes, I have a mute, partially deaf nephew and I really appreciate na ginawa nila dito sa musical ang mute interpretation,” sabi pa niya.

Sa pag-angat naman ng karakter ni Ding sa kuwento, labis din na ikinatuwa ito ng pamilya.

“It’s about time. Kasi si Ding laging nasa background, alam naman natin na pag sinabing ‘Ding, ang bato!’ Darna na yun e, so it’s about time na ma recognize naman si Ding,” sambit pa niya.

Samantala, nagbigay pahayag din siya sa tila pagkakaroon ng delay sa pagpapalabas ng Darna na gagamapanan ng kapamilya star na si Liza Soberano.

READ: Liza Soberano gives update on ‘Darna’ movie

“Kasi nga, ang work of art needs time. So hindi natin masasabi na matagal yun na sobrang tagal, kasi kung talagang maganda lalabas ang movie I think it’s worth the wait,” pahayag pa nito.