Shamcey Supsup announces her second pregnancy
Four months pregnant na si Shamcey sa kanyang businessman husband na si Lloyd Lee.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

5/17/2018 1:01 PM
Shamcey Supsup announces her second pregnancy

 

Kasabay ng pagbubukas ng Scott Burger business ni 2011 Miss Universe third runner up na si Shamcey Supsup-Lee ang pag-anunsyo niya ng bagong blessing sa kanilang pamilya.

Dito, masayang ibinahagi ni Shamcey ang paparating na bagong miyembro sa kanilang pamilya ng mister na si Lloyd Lee.

 

“I’m four months pregnant and were very happy to welcome this new blessing in the family,” bungad ni Shamcey.

Kumpara sa naunang pregnancy noong 2015, mas madali raw ngayon ang sitwasyon ng beauty queen.

“Mas mataba ako ngayon, mas grabe ang kain lagi ako gutom compared to my first baby. Mas madali na siguro ngayon because I’ve already experienced (it) with our first baby hindi na masyado, hindi na ako nagpapanic buying na pwede i-recycle, gamitin na natin for the baby number two," sabi pa ni Shamcey.

Two years old na ang panganay nila ni Lloyd na si Baby Nyke at ayon kay Shamcey, perfect timing na din ito para sundan na ang kanilang first baby.