• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino advises Bea Alonzo on love: ‘Just stop overthinking and accept what is’
Paulo Avelino advises Bea Alonzo on love: ‘Just stop overthinking and accept what is’
Paulo Avelino, may payo para kay Bea Alonzo
BY CRISTINA MALONZO
5/17/2018 10:53 AM
Paulo Avelino advises Bea Alonzo on love: ‘Just stop overthinking and accept what is’
Photo credit: @beaalonzo (L) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, nag-react si Paulo Avelino sa sinabi ni Bea Alonzo sa kanyang recent interview na isa si Paulo sa closest friends niya. “Siguro kay Bea parang siya yung taong kayang magtago ng sikreto kaya kumportable akong maglabas or magkwento sa kanya.”

Kung may maipapayo man si Paulo kay Bea ngayong may pinagdadaanan ito sa kanyang buhay pag-ibig ay, “Just stop overthinking and accept what is.” 

Sinabi niya na maging siya ay nakakapag-overthink. “I tend to overthink, lagi nating pinapagana yung utak natin dumadating sa point na nadi-disregard natin kung ano talagang nararamdaman natin sa tao. Mas nilalaban ng utak natin yun puso and I’m more of a person na I trust what I feel.”

Dagdag pa ni Paulo, “If I love a person, hindi yun mababago nang iniisip ko na ginawa niya, o nang iniisip ko na kasalanan niya. Kumbaga mas nananaig yung pagmamahal.”