• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang pelikulang Kasal, Bea Alonzo at Aga Muhlach magsasama naman sa isang proyekto

Matapos ang pelikulang Kasal, Bea Alonzo at Aga Muhlach magsasama naman sa isang proyekto

Bea Alonzo, looking forward sa movie project kasama si Aga Muhlach.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/17/2018 5:48 PM
Matapos ang pelikulang Kasal, Bea Alonzo at Aga Muhlach magsasama naman sa isang proyekto


Photo credit to the owner (R)

 

Matapos ang blockbuster success ng pelikulang Kasal na pinagbidahan ni Bea Alonzo, biyaheng Vancouver, Canada soon ang aktres para sa shooting naman ng isang bagong pelikula kasama si Aga Muhlach.

 

Ayon kay Bea, ito ang unang beses na makakatrabaho niya si Aga sa isang proyekto na ididirek naman ni Paul Soriano.

“I will be working with them for the first time, of course I’m very excited," bungad ni Bea.

Matipid man sa pagbibigay detalye, sinigurado ni Bea na magugustuhan ito ng mga fans ng mga drama movies.

“Hindi ko pa pwede sabihin  kasi mag script reading pa kami, drama pa rin siya pero with different attack, siyempre," sabi pa ng aktres.

Ibinahagi din ni Bea ang kanyang pananabik sa proyekto na aniya ay matagal na niyang pangarap.

“Very excited ako, matagal ko na siyang gusto makatrabaho kahit na noong bago pa siya umalis sa ABS-CBN. Matagal ko nang pangarap and finally magkakaroon na ako ng pagkakataon,” sambit pa nito.

Ayon pa kay Bea, fan din siya ng mga naging pelikula noon ni Aga.

“Ang dami ng pelikula niya na napapanuod ko and in every movie iba yung binibigay niya kaya excited ako makita kung ano ang ibibigay niya this time," pahayag niya. 

Samanatala, nagpasalamat naman si Bea sa P10 million gross ng first day ng Kasal.