• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricel Soriano, na-miss si Dolphy sa kanyang movie comeback

Maricel Soriano, na-miss si Dolphy sa kanyang movie comeback

Maraming natutunan si Maricel Soriano sa kanyang daddy Dolphy.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/17/2018 9:58 AM
Maricel Soriano, na-miss si Dolphy sa kanyang movie comeback


Photos credit to the owners

 

Kahit minsan ay wala sa script, hinayaan lang ni Direk Eric Quizon na mag-adlib si Maricel Soriano na may special participation sa pelikulang My 2 Mommies ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Solenn Heussaff at Paolo Ballesteros.

Ani Maricel sa thanksgiving dinner ng Regal para sa tagumpay ng My 2 Mommies, “Tulang yung vakla, impromptu yon, eh, lumalabas na lang basta. Hindi na puwedeng basahin yon sa script or something, spontaneous, eh.”

Dagdag naman ni Eric, “May nagtanong nga sa akin, anong kaibahan ang naibigay ni Marya dito sa movie, sabi ko, wala, it’s her usual self. Yon ang binigay niya, yung nami-miss ng maraming tao.”

During the thanksgiving naibulalas din ni Marya ang pagka-miss niya sa kanyang Tatay Dolphy.

“Ang totoo, nami-miss ko si daddy (Dolphy). Kasi siyempre, yon naman talaga ang una kong pinanggalingan, doon ako talaga nanggaling (sa John En Marsha).

“Doon ako nagsimula. Doon ako natutong umiyak, natutong tumawa. Doon sa John En Marsha. Kaya nung gumagawa si Kaizz (tawag kay Eric) ng mga nakakatawang eksena, ang na-miss ko yung daddy ko,” pahayag niya.

Pakiramdam nga daw niya nung nawala si Tatay Dolphy niya ay naging ulilang lubos na siya.

“Yon nga ang sinasabi ko, pati sa real life ko, sa show business, ulilang lubos pa rin ako. Pero meron pa akong taong mahal ko at mahal din ako gaya ni Mother (Lily Monteverde), na kahit ang kulit-kulit ko sa kanya, dinadaan na lang ako sa tawa. Pero sana huwag mamihasa sa pagtawa.

“Pero alam n’yo, ang saya sa pelikulang ito kasi parang hindi kami nagsusyuting. Ang uspan dito, guest lang ako. Meron bang guest na three days?” natatawa niyang tanong kay Eric at sa mga taga-Regal.

“Di ba, parang pinagsamantalahan nila ako? Nag-enjoy naman ako. Wala ako nung feeling na gusto ko nang umuwi, yung, ‘Ano ba yan? Ang tagal naman nito sana matapos na.’ Walang ganun.

“Except lang nung umulan. Nagbihis ako at sabi ko, ‘Sandali lang ako, bye,’” natatawa ulit niyang kuwento.

“Pero sa totoo lang, ako ang dapat magpasalamat dahil pinaunlakan nyo ako. Maraming, maraming thank you talaga. And more films pa na kailangan blockbuster, ha.

“Kailangan ni Mother ng mga blockbuster ngayon. Hindi na raw puwedeng mga basta-basta. Kailangan blockbuster, di b a Mother?” huling pahayag ni Maricel.