• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Regine Tolentino, umaming na-trauma sa pagkakaroon ng showbiz husband

EXCLUSIVE: Regine Tolentino, umaming na-trauma sa pagkakaroon ng showbiz husband

Ayon kay Regine Tolentino, walang suporta binibigay si Lander Vera Perez sa kanilang mga anak.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/17/2018 10:34 AM
EXCLUSIVE: Regine Tolentino, umaming na-trauma sa pagkakaroon ng showbiz husband


Photo credit: @reginetolentino on IG

 

Bukod sa announcement ni Regine Tolentino na meron siyang concert sa SM Skydome on May 26 titled Ignite, ibinalita rin ni Regine sa PUSH na maa-annul na ang kasal nila ng ex-husband na si Lander Vera Perez on June 3.

Dahil sa nangyari sa kanila ng ex-husbad, big “no” na raw sa kanya ang magkaroon ng partner from showbiz.

Aniya, “Ayoko na. Ayoko na ng showbiz, hello! No way! Magulo. Di ba?

“Ang gusto ko businessman na lang or basta may sariling career. Pero okay sa akin ang Pinoy. Basta non-showbiz talaga, utang na loob,” giit pa niya.

Ano ba ang naging dilemma niya sa pagkakaroon ng showbiz husband?

“Maraming temptation. It’s a pride thing. Hindi regular ang trabaho. Tapos kahit papaano, nasa industry din ako, so somewhat, parang kompetensya—sa rate at sa leveling and stuff like that—you know what I mean? So, hindi na talaga. Mas okay na akong single kesa showbiz,” paliwanag niya.

Na-trauma ba siya sa nangyari?

“Yes. Super,” madiin niyang sagot.

“Ayoko na talaga ng taga-showbiz. I learned my lesson the hard way for 18 years and then now, I’m ready, but no rush,” dagdag pa niya.

Friends ba sila ni Lander?

Sagot ni Regne, “No! Not at all. Hindi rin niya nakikita yung mga bata. There’s no communication whatsoever.”

Patuloy pa niya, “As far as kami ng mga bata, desisyon nila at sinusuportahan ko, na out na siya sa buhay namin.”

Wala rin daw move na ginagawa si Lander para makita ang kanilang dalawang daughters who are now in college and in high school.

“Pero yung anak ko sumusulat sa kanya, asking… kasi siyempre, ang mga anak ko nag-aaral sa Ateneo and I need support. At saka karapatan ng mga bata na may support from their father but I don’t get any support. Four years na rin yon since naghiwalay kami.
 
“Yung mga bata, ‘Papa, can you pay for the half.’ Half nga lang, I don’t even ask for allowance or pangdamit. Kahit tuition lang, kasi siyempre… half nga lang hindi pa rin mabigay.”

Aminado si Regine na mahirap i-shoulder ang lahat at maging isang single parent.

“It’s hard that’s why I don’t stop working. I have no choice. I’m alone. My parents, they live in Pampanga. And dito lang talaga kaming tatlo ng mga bata.

“Wala kaming inaasahan kundi yung work ko ngayon. Buti na lang I’m blessed with all these opportunities to earn, so hindi naman kami nawawalan kahit papaano,” kuwento pa ng zumba enthusiast.

Dahil sa paghihiwalay nila ni Lander, inamin din ni Regine na dumaan sa therapy at counseling ang kanilang mga anak.

“My children go through therapy. They have a counselor na kinakausap nila para ano… Kasi siyempre, there was a time na hindi nila talaga matanggap na, ‘Ha, nawala na lang siya, ganun na lang?’ Tapos walang communication, walang ano. Disappear na lang siya?

“Tapos yung mga sulat ng mga bata (para kay Lander), pinapadala sa Sampaguita (Studio), pero dedma. So, after this ano, we’ll see how we can take this into other matters because the children really deserve to be supported and stuff, so yon.

“Naiisip ko nga, eh, kung wala akong work, anong mangyayari sa mga anak ko? Paano sila mabubuhay? Saan sila mag-aaral?” napapailing niyang kuwento at huling pahayag na rin niya sa PUSH.