• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Ruel Bayani, di pa rin makapaniwala sa kanyang na-achieve sa showbiz

Direk Ruel Bayani, di pa rin makapaniwala sa kanyang na-achieve sa showbiz

Ikinuwento ni Direk Ruel Bayani kung paano siya nagsimula sa showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/17/2018 9:53 AM
Direk Ruel Bayani, di pa rin makapaniwala sa kanyang na-achieve sa showbiz


 

Nagsimula bilang script continuity noon sa Vision Films (production company ni Charo Santos) ang career ni Direk Ruel Bayani sa showbiz bago pa man siya napunta sa ABS-CBN para maging TV at movie director.

Kuwento ni Direk Ruel sa kanyang humble beginnings, “Dinala kami ni Ma’m Charo (Santos) dito sa ABS-CBN. We started a new show, yung Maalaala Mo Kaya.

“Naging writer ako, head writer, creative consultant for drama and eventually nagdirek ako sa TV, sa Maalaala pa din, and then sa film na.”

Ngayon ay business unit head na ng ABS-CBN ang director ng pelikulang Kasal na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Paulo Avelino.

Siya ang head ng RSB unit na nag-produce ng ongoing afternoon teleserye na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na pinagbibidahan ni JM de Guzman at Barbie Imperial.

Kahit nagsimula sa baba proud ang director na sabihing hindi niya kinalimutan ang passion niya kung bakit talaga siya nag-join sa showbiz industry.

“Ang taong nagsimula sa baba ay walang puwedeng kumwestyon sa hirap, sa pagsisikap at sa natutunan mo, sa pakikisama mo sa tao para sa in the span of 28 years ay umabot ako dito at magawa ko yung passion ko and I get to do the very reason why I joined the business, to make films, and I get to do it and I still get to do it.

“Kung ano talaga yung original passion mo huwag mo lang sukuan at masaya when you get to achieve a certain degree of success,” payo ng director sa mga nangangarap ding magtagumpay sa showbiz industry.

Ayon pa kay Direk Ruel, may mga panahon na hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga naging achievement lalo na sa pagiging director.

“Sometimes para akong nananaginip. Now, I get to direct this wonderful cast (Kasal). Noong araw, bina-blocking ko si Christopher de Leon, Cherie Gil.

“Noong araw bina-blocking ko si Celeste Legaspi, si Ricky Davao. Tapos sinasabi ko, ‘Napakapalad at sinuwerte akong makasama ko sila nung assistant director pa ako ni Laurice Guillen, Ishmael Bernal.’ Pero ngayon katrabaho ko na sila. Yon ang pinakamagandang experiences.

“Every single day, mas inspired pa ako to the previous day at hanggang ngayong ipinalabas na ang Kasal, nararamdaman ko pa rin everyday na I’m more and more inspired to direct more movies,” bulalas ni Direk Ruel.

Kasalukuyang ipinapalabas in more than 200 cinemas ang pelikulang Kasal mula sa Star Cinema.