• Home
  • Fresh Scoops
  • Sabay-sabay na pagsasayaw ng Zumba, target ang Guinness World Record
Sabay-sabay na pagsasayaw ng Zumba, target ang Guinness World Record
20,000 Zumba participants ang target ng event.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

5/16/2018 9:39 AM
Sabay-sabay na pagsasayaw ng Zumba, target ang Guinness World Record


 

Target ngayon ng kilalang Zumba instructor na si Ron Antonio na makapasok sa Guinness World Records para sa pinakamaraming Zumba participants.

Kasabay ito nang pagdiriwang ng taunang Kaogma Festival sa Camarines Sur.

“I’m doing the biggest Zumba party in the world. It is actually for the Guinness World Record on May 19,” bungad ni Ron.

Ito na ang ikalawang beses na hinabol nila ang record.

“I will be with my 100 co-Zumba instructors and I will be beating my own record which we did three years ago in Mandaluyong,” sabi pa niya.

Inaasahan naman na aabot sa 20,000 Zumba participants ang makikilahok ngayong May 19, 2018 sa bayan ng Camarines Sur.

“Yes I will be leading the whole event in partnership with Camarines Sur for Kaogma Festival, 20 thousand plus na ang expected Zumba goers. It’s pre-registered and we are so happy na the Organizer of Guinness World Records is there para sa aming event,” pahayag pa nito.