Richard Poon makes a revelation about wife Maricar Reyes
Richard Poon shares four fun things we don’t know about him
BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

5/16/2018 9:36 AM
Richard Poon makes a revelation about wife Maricar Reyes


Photo credit: @maricareyespoon on IG (R)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, kinanta ni Richard Poon ang mga bagay na hindi pa alam ng mga manunuod tungkol sa kanya sa segment na “5 in 45.”

Ayon sa kanya, “Si Richard ay gumagawa ng sawsawan kapag hindi masarap ang sawsawan sa restawran.”

Pangalawa, “Si Richard ay mahilig sa robot, kahit ngayong may edad na siya ay nagbubutingting pa siya.” Dagdag pa niya, “Hirap ako magising sa umaga, panggabi akong tao.” 

May rebelasyon din si Richard tungkol sa kanyang asawang si Maricar Reyes. “Mahilig magluto sa bahay at si Maricar ay hindi nagluluto.”

Kinapos na si Richard ng oras kaya apat lang ang naibahagi niya. May concert si Richard Poon sa May 18 na ididirek ni John Prats.