• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelika Dela Cruz and other celebrities win in the barangay elections
Angelika Dela Cruz and other celebrities win in the barangay elections
Ilang celebrities, panalo sa Barangay elections.
BY CRISTINA MALONZO
5/16/2018 9:29 AM
Angelika Dela Cruz and other celebrities win in the barangay elections

 

Sa ulat ng TV Patrol, panalo ang ilang mga celebrities sa barangay elections na naganap nitong May 14. Isa sa mga nanalo bilang Barangay Captain sa Tambo, Paranaque si Jenny Salimao-Quizon na asawa ni Vandolph.

Panalo rin si Angelika Dela Cruz sa pagka-Kapitan sa Longos, Malabon. Inspirasyon diumano ni Angelika ang yumaong kapatid na si Edward. “Si Edward talaga, yung kapatid ko, ang gustong-gusto niya mag-public service. Bago lang siya makaupo hinit and run siya. So yun ang naging ano namin ng family, yung mga gusto niyang gawin. Parang panata na namin sa kanya.”

Panalo rin si Direk Toto Natividad bilang Kapitan sa Kaunlaran, Navotas. Isa sa mga dinirek ni Direk Toto ang hit serye na Ang Probinsiyano.

Kasama rin sa mga nanalo bilang Kagawad ang dancer na si Luningning at ang beteranang aktres na si Tina Monasterio.