Napansin ng ilang netizens ang pag-unfollow ni Cristine Reyes sa Instagram account ng asawa niyang si Ali Khatibi. Dahil dito, mas lalo namang umugong ang bali-balitang hiwalay na sila. Lima nalang ang fina-follow ni Cristine.
Naging usap-usapin ito nang muling napansin ng netizens na hindi na masyadong nagpo-post ngayon ng kanilang family pictures ang aktres.
Samantala, naka-follow pa rin naman si Ali sa account ng kanyang asawa. Wala pang kumpirmasyon mula sa mag-asawa kung tuluyan na silang nag hiwalay.