Bea Alonzo on love: ‘Kasi in love, pain is inevitable’

Bea Alonzo talks about lessons in love and her relationship with Gerald Anderson.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/15/2018 9:39 AM
Bea Alonzo on love: ‘Kasi in love, pain is inevitable’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nang matanong si Bea Alonzo kung kumusta na sila ni Gerald Anderson, inamin nito na may pinagdaanan sila pero “we’re talking.” Dagdag pa ni Bea, “Marami pang inaayos, Tito Boy.” Inamin din ni Bea sa isang interview kamakailan na hindi na sila sa ngayon ni Gerald.

Sinabi rin ni Bea na natutunan niya na ang isang relasyon ay isang “choice.” “It’s what I learned habang tumatanda... ang importante lang ay hanggang saan yung papanindigan mong choice. Kasi in love, pain is inevitable. The moment you choose to fall in love, you choose to experience pain. And I think it all boils down to who you want to experience all of that for.”

Kailangan din daw ng isang relasyon na dumaan sa mga pagsubok. “Doon nagu-grow ang love. Ang love naman hindi lang puro saya e. Kapag mas marami na kayong pinagdaanan, mas stronger yung relationship. So kailangan paminsan-minsan, meron kayong pagdadaanan. Paminsan-minsan may matututunan kayo out of all those things na pagdadaanan ninyo.”

Nang tanungin naman kung ano ang best quality ni Gerald, sinabi ni Bea na, “He’s a very responsible man. He’s responsible pagdating sa pamilya niya, sa mga kaibigan, sa mga kasama niya...”

Hindi rin daw “malaya” si Gerald sa nararamdan nito katulad ng isa sa closest friends niya na si Paulo Avelino. “Lalaking-lalaki si Ge na tipong he lets me talk about my feelings all the time but minsan lang siya magsasabi ng nararamdaman niya. He communicates with me naman. Hindi lagi sa salita.”

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makasama kung huling araw na ng mundo, ayon kay Bea ay, “Siya siguro.”