• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach shares what he will miss the most about his father

Aga Muhlach shares what he will miss the most about his father

Pinasalamatan din ni Aga ang mga kaibigan na nagpaabot nang pakikidalamhati sa kanilang pamilya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/15/2018 3:29 PM
Aga Muhlach shares what he will miss the most about his father


 

Puno ng pasasalamat si Aga Muhlach sa mga taong naki-dalamhati sa kanilang pamilya dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Cheng Mulach.

READ: Aga Muhlach’s father passes away

“Maraming maraming salamat, sa inyong lahat. Sa iba na hindi pa ako nakakasagot, hindi ko din alam kung papano magpasalamat sa inyo,” bungad ni Aga.

Sa panayam na ito, binalikan din ni Aga ang masayang buhay ng ama na naging inspirasyon nila sa pagpasok sa mundo ng showbiz.

My dad has his own life, alam naman, nung 70’s pa yung mga kaibigan niya na gumagawa ng pelikula na kasama niya. Lahat yan hanggang sa pagtanda niya, pero sa pagtanda niya wala na siyang ginawa kundi bantayan ang mga anak niya,” kuwento pa ng aktor.

“Papa is just like any father, who’s always concerned with each and every one of us even if we’re getting old. When I was gaining weight he called me and told me na, ‘Aga lose weight.’ When I was kinda retiring he tells me na, ‘Aga go back to work.He really loves his children,” dagdag pa niya.

At gaya ng normal na relasyon ng isang mag ama, dumaan din sa tampuhan at pagsubok ang kanilang pagmamahalan bilang mag-tatay, ganun pa man walang baon si Aga kundi ang walang katapusang pasasalamat dito.

Na-cremate na noong Linggo ang mga labi ni Cheng at ngayong araw May 15 ng hapon magaganap ang internment sa Aeternum Columbary sa Fort Bonifacio, Taguig.