• Home
  • Fresh Scoops
  • Friendship ni Glydel Mercado at Yayo Aguila sinubok sa pelikula

Friendship ni Glydel Mercado at Yayo Aguila sinubok sa pelikula

Glydel at Yayo bida sa suspense thriller na “Poon.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/14/2018 10:58 AM
Friendship ni Glydel Mercado at Yayo Aguila sinubok sa pelikula


 

Kasama ang real life best friends na sina Yayo Aguila at Glydel Mercado sa mga bibida sa pelikulang Poon, na isa sa mga sa pelikulang mapapanuod sa Cine Filipino 2018.

Kuwento ni Yayo at Glydel sa special screening ng movie, ibang iba sa real life closeness nila ang mapapanuod sa kanilang pelikula.

“I play tha character of Claudia, isa akong church servant na nakabili ng poon, pareho kaming church servant ni Yayo pero hindi kami magkasundo,” sabi ni Glydel.

“Yes, pareho kaming nag-serve sa church pero ayaw ko sa kanya kaya lagi kaming may clash sa kuwento,” sabi naman ni Yayo.

Challenging din daw para kay Glydel ang gumanap sa independent movie na ito dahil sa kakaibang kuwento nito na kailangan niyang bigyan ng hustisya.

“Nakagawa na din naman ako ng horror movie, pero ito suspense thriller at ngayon lang ako na ka-experience na may katatakutan na object,” sambit pa ni Glydel.  

Espesyal naman para kay Yayo ang proyektong ito dahil nakasama niya ang kanyang BFF.

“Iba yung feel, maganda kasi iba doon sa nakasanayan na drama, kasi may kaunting kaba ka na nararamdaman sa bawat eksena na gagawin mo and maganda ito kasi personally magkasama kami ni Glydel,” pahayag pa ni Yayo.

Samantala, patuloy pa din na mapapanuod sa piling mga sinehan ang walong pelikulang kalahok sa 2018 CineFilipino na tatagal hanggang May 15, 2018.