• Home
  • Fresh Scoops
  • Cheng Muhlach’s children share what they will miss the most about their father

Cheng Muhlach’s children share what they will miss the most about their father

Pumanaw sa edad na 74 ang ama ng showbiz siblings na sina Aga, Arlene Almira, AJ at Andrew.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/15/2018 12:54 AM
Cheng Muhlach’s children share what they will miss the most about their father


 

Sa huling gabi ng pagdadalamhati ng pamilya ng beteranong aktor at movie producer na si Alvaro “Cheng” Muhlach, sinariwa ng ilan sa kanyang mga anak ang mga bagay na hindi nila malilimutan sa namayapa nilang ama.

Nanguna na dito si Arlene, na pinasalamatan ang ama sa pagiging pasensosyo nito sa kanya noong kadalagahan niya.

He was very patient with me when I’m in my teenage years, kasi medyo makulit akong teenager so I think, I have to follow his footsteps and be patient in raising my children,” sabi ng aktres. 

Si Almira naman, ang pagiging palabiro at alaskador ng ama ang pinaka ma-mimiss niya sa kanyang ama.

Ang Papa ko kasi sobrang alaskador, mahilig mang pikon, lagi niya ako inaasar and the thing he always tells me is ‘Happy kaba? Kasi pag happy ka, happy din ako,” malugkot na pag-alala ni Almira. 

Ang emerging actor na si AJ, sinariwa ang pagiging maalalahanin ng ama.

 “Si Papa is very maalalahanin, especially sa work, lagi niyang naalala na magbigay ng advice sa akin and every time na nagkikita kami lagi siya nagbibigay ng advise sa akin sa kung ano ang kailangan ko pang gawin lalo na sa trabaho ko,” sabi naman ni AJ. 

At ang pinakabunsong Muhlach at bagong-bago sa showbiz na si Andrew, inalala ang mga bilin ng kanyang ama sa kanya bago ito sumakabilang buhay.

Ang sabi lang niya, pag nawala ako gusto ko magsama-sama kayo palaging magkakapatid. Yun ang lagi niyang sinasabi sa ‘kin.” 

Hanga din daw ang binata sa pagiging maalalahanin na ama nito sa kanilang mga magkakapatid.

Sa kanya po ako nakatira, simula ng pinanganak ako siguro fourteen years kong katabi sa kama yan, sobrang bait ni Papa, walang kayabang yabang sa sarili yan. Ang gusto lang niya makasama ang family niya,” pahayag pa ni Andrew. 

Si Cheng ay naging aktibo sa showbiz noong 70s at kapatid niya ang veteran actress na si Amalia Fuentes.