Beauty enhancement ni Miho Nishida, aprubado ni Young JV?

The singer also gives an update on his dating status with the former PBB housemate.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/14/2018 8:28 AM
Beauty enhancement ni Miho Nishida, aprubado ni Young JV?


Photos credit to @real.miho_nishida and @iamjvkapunan IG

 

Nagbigay reaksyon na ang singer na at recording artist na si Young JV sa pag papa-beauty enhancement ng kanyang inspirasyon na si Miho Nishida.

No Issue daw kay Young JV ang usapin ng enhancement ni Miho dahil suportado niya ito sa improvement ng itsura nito.

READ: Miho Nishida breaks silence on plastic surgery rumors 

“Ang sabi ko sa kanya kung saan ka masaya gawin mo. 'Wag ko isipin kung ano sasabihin ng ibang tao, kung saan ka masaya. I'll always be supportive sa kanya, mukhang happy na happy siya eh, Ok na siya doon! Pero sabi ko rin sa kanya ok na yan ha?" natatawang sabi ng binata nang mainterview sa launching niya bilang endorser ng Megasoft Hygenic Products noong May 8. 

Gaya ng modern relationships ngayon ng mga celebrities, ayaw bigyan ng label ni Young JV kung ano ang meron sila ni Miho sa ngayon.

“Yeah, I guess we can say that, We don't wanna give labels yet. Ayaw muna naming sabihing, 'O, tayo na!' So, I guess sa akin lang, gusto ko na siya muna ang magsalita," kuwento pa ni JV. 

At kahit galing si Miho sa tandem nila ni Tommy Esguerra, naiintindihan naman daw ni JV kung nag-aadjust pa rin sila ngayon sa tandem nila ni Miho.

“May mga fans din, siyempre hindi naman po natin maiiwasan. Wala naman po akong issue sa kanila kaya happy lang ako," pahayag pa ni JV. 

Inaasahan na mas magiging aktibo ngayon sina Young JV at Miho sa kanilang mga solo careers at inaasahan na magkakasama din sila sa isang proyekto.