• Home
  • Fresh Scoops
  • Aubrey Miles and Troy Montero reveal ‘most unusual and wildest’ sexy time they ever had

Aubrey Miles and Troy Montero reveal ‘most unusual and wildest’ sexy time they ever had

Aubrey Miles at Troy Montero, may mga super hot revelations sa Gandang Gabi Vice.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/14/2018 10:53 AM
Aubrey Miles and Troy Montero reveal ‘most unusual and wildest’ sexy time they ever had


Photo credit: @troymontero on IG

 

Sa Gandang Gabi Vice, very hot ang revelations ng hot couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero.

Nang tanungin ni Vice Ganda kung saan ang “most unusual and wildest na loving-loving” ng dalawa, sinabi ni Aubrey na yung bakasyon nila kung saan sila kumuha sila ng nude photos.

Pero ayon naman kay Troy sa eroplano daw naganap ang sexy time na iyo. Sumangayon naman dito si Aubrey. “Pero nasa business class kami,” dagdag nito.

Nang magkumento si Vice na hindi pwedeng tanggalin ang harang sa pagitan ng mga upuan sa business class, nag-disagree dito si Aubrey.

“Pwede namang tanggalin yung harang e. Basta itong airlines na to pwedeng ganunin yung dalawa. Minake sure namin yun,” sabi ng aktres.

Game din na sinagot ng dalawa ang iba pang tanong sa kanilang sex life.

Ang last na “loving-loving” nila ayon kay Aubrey ay, “last week, mga three days ago.”

Gaano naman kaya nila ito kadalas ginagawa?

“One time. Minsan twice, morning and night ganyan.”

Nang tanungin kung gaano katagal, sinabi ni Aubrey na, “depende, mas mahaba sa umaga. Sa gabi pagod na kasi.”

Nang tanungin naman kung ano favorite position nila for “sleeping,” ang naisagot ni Troy ay “cowgirl.”

Inamin rin ng dalawa na kumportable silang nakahubad pag magkasama. Nagbe-breakfast din sila ng hubad. Ito ang rason kung bakit nag-post sila ng nude photos sa Instagram.

Nagsimula daw ang lahat sa nude selfie ni Aubrey. Sinabi ni Troy na hindi niya alam na magpu-post ng nude photo si Aubrey pero kung nagpaalam man daw ito sa kanya ay papayagan niya.

“Of course. I don’t mind. She’s hot so okay lang,” sagot pa nito.

Nang tanungin kung katulad siya ng ibang lalaki na may pagka-possessive sa kanilang partner, ani Troy, “to a point. Kasi I’m proud she works out hard so okay lang. Pero usually when she posts I’ll always make a comment somewhere in the bottom something like that’s mine ha.”

Second nude post naman ni Aubrey ang naka-hubad si Troy sa pool, na nakahawak sa crotch. Ikinagulat din daw ito ni Troy nang makita niya na pinost na ito ni Aubrey. Okay lang naman daw “but too late na.” Hindi din naman daw na-offend si Troy sa pag-post ni Aubrey nito.