• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino looking forward daw sa pagsasama nila ni Ryza Cenon sa isang proyekto

Paulo Avelino looking forward daw sa pagsasama nila ni Ryza Cenon sa isang proyekto

Kapwa naging bahagi sina Ryza Cenon at Paulo Avelino ng isang reality show.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/12/2018 11:10 AM
Paulo Avelino looking forward daw sa pagsasama nila ni Ryza Cenon sa isang proyekto


 

Isa ang kapamilya actor na si Paulo Avelino sa mga bibida sa upcoming movie ng Star Cinema na Kasal. Dito makakasama ni Paulo sina Bea Alonzo at ang nagbabalik kapamilya leading man na si Derek Ramsay.

 

 

Truth will define their love. #Kasal May 16 in cinemas! 👰🏻💫

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

“Ang character ko dito si Philip Cordero. Lumaki siya sa political family, siguro iba siya sa mga nagawa ko dati dahil hindi siya typical love story because it talked about so many stuff about real and dark secrets of each character,” bungad ni Paulo.

Dahil mature ang mga characters, asahan na daw ang mga konting pa-sexy sa ilang eksena.

 

 

Thank you for joining us mga Kapamilya! #KasalMediaLaunch #Kasal

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

“Meron konti kasi hindi naman siya romantic comedy movie. It’s a very ‘now’ story,” sambit pa ni Paulo.

Bukod sa pag-mature ng mga role ni Paulo, ang bagong kapamilya na si Ryza Cenon ay nag-level up na din.

Isa si Ryza sa mga naging bahagi ng Starstruck na gaya ni Paulo ay kapamilya na ngayon.

Kuwento ni Paulo, nagkita na sila ni Ryza sa ABS-CBN compound at na-congratulate na niya ito.

“Nakita ko siya, but I forgot when. Of course, I welcomed her. Sabi ko, ‘Welcome to ABS-CBN,” nakangiting sambit ni Paulo.

Open din daw si Paulo kung sakali na magkaroon ng proyekto na magsasama silang dalawa ni Ryza.

“Mukha naman, mukha naman na hindi kami malabo magkatrabaho, knowing sa mga na-produce na projects ng ABS-CBN hindi malabo na kami magktrabaho,” pahayag pa ni Paulo.

Sa ngayon abala si Paulo sa promotion ng Kasal na mapapanuod ngayong May 16 sa direksyon ni Ruel S Bayani.