• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio on Julia Barretto: ‘Sobrang okay po talaga kami’

Loisa Andalio on Julia Barretto: ‘Sobrang okay po talaga kami’

Loisa Andalio, tinawagan daw siya ni Julia Barretto para magpaliwanag.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/12/2018 9:26 AM
Loisa Andalio on Julia Barretto: ‘Sobrang okay po talaga kami’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagsalita na si Loisa Andalio sa banggaan na naganap sa pagitan ng mga fans niya at ni Julia Barretto. “Hindi ko po talaga kinukunsinti yung pag-aaway nila sa social media. Ako po Tito Boy talaga personally sinasabi ko sa kanila na good vibes lang. Dapat kayo maging sensitive sa mga tweet niyo kasi may mga tao na naapektuhan.”

 

Nang tanungin kung nakapag-usap sila ni Julia, sinabi ni Loisa na tinawagan siya ni Julia. “Yes po, Tito Boy. Gabi po yun.” Kwento niya kung paano nangyari ang pag-uusap, “Una tumawag po siya, medyo late na po yun kaya hindi ko na nabasa. Tapos sinabi niya na, ‘Hi Loisa. This is Julia’ ganyan. Sabi niya, ‘Can I call you?’ [Tinanong ko] bakit. Sabi niya gusto lang daw niyang i-explain yung mga tweet na hindi daw po yun para sa akin. Sabi ko naman po sa kanya na okay lang yun sa akin wala yun. Kasi hindi ko rin naman inisip na para sa akin yun. Yung tsineck ko nakita ko lang na may nagtatag lang sa akin.”

 

Nang tanungin kung sa text lang sila nag-usap, sinabi ni Loisa na oo dahil, “May work po ako nun, simpleng patext-text lang po.”

 

Nagtapos naman daw ang pag-uusap nila ni Julia ng maayos dahil, “Sinabi rin namin na wag kaming magpapa-apekto sa mga fans kasi kami Tito Boy sobrang okay po talaga kami na pag nagkikita po kami nagbabatian kami.”

 

Nang kumustahin naman sila ni Joshua Garcia, na na-link noon kay Loisa at rumored boyfriend ngayon ni Julia, ang sabi ni Loisa ay, “Okay naman po kami pag nagkakasama po kami sa The Good Son. Habang mas tumatagal yung show mas nagiging kumportable din po kami.”

 

Nilinaw din ni Loisa na “wala pong problema” sa pagitan nina Ronnie (Alonte) at Joshua.  Rumored boyfriend naman ni Loisa si Ronnie na na-link din noon kay Julia.