• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang pakulo ng mga paborito ninyong kapamilya aktor para sa Mother’s Day

Ano ang pakulo ng mga paborito ninyong kapamilya aktor para sa Mother’s Day

Richard Yap, Ian Veneracion, at Richard Gutierrez ibinahagi ang kanya-kanyang pakulo para sa ina ng kanilang mga anak ngayong ngayong Mother’s Day.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/12/2018 10:50 AM
Ano ang pakulo ng mga paborito ninyong kapamilya aktor para sa Mother’s Day


 

Kanya-kanyang paghahanda ang mga Pinoy para sa darating na Mother’s Day ngayong May 13 (Sunday)

Gaya ng karamihan, todo paghahanda ang ginagawa ng ilang mga kapamilya actor na sina Richard Yap, Ian Veneracion at Richard Gutierrez para sa ina ng kanilang anak ngayong Mother’s Day.

Una na dito Richard Yap na special dinner ang handog para sa kanyang misis.

 

 

“We’ll just have dinner lang somewhere, that’s it. Usually we just go out,” sabi ni Richard.

Si Ian Veneracion naman na tatapat sa Mother’s Day ang kanyang concert na Ian In 3 Acts, isang special na awitin ang inihanda para sa kanyang maybahay.

 

 

Look, it's soooo broken but can still take a photo!🤣

A post shared by Ian Veneracion (@ianveneracion1) on

 

“I wrote a song for her it’s called ‘I Miss You The Most’. I sang it in Cebu and I’ll sing it again here. I made it for her. It’s about how temporary things are, you know the general context career-wise. It’s how temporary things are,” sambit naman ni Ian.

Hindi din papahuli ang aktor na si Richard Gutierrez na sa isang staycation plano ibigay ang espesyal na regalo para sa kanyang partner na si Sarah Lahbati

 

 

 

Mood

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz) on

 

 

“May staycation kami ni Sarah so we’re going to have our own simple celebration lang. And then obviously we will have dinner with our family lang. [May gift na ako] pero surprise na lang,” pahayag pa ng Richard.