KZ Tandingan, guest ba si Jessie J sa concert?

KZ Tandingan, tinulungan ng pamilya sa pinagdadaanan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/11/2018 9:29 AM
KZ Tandingan, guest ba si Jessie J sa concert?


Photo credit: jessiej (R) on IG

 

Sa ulat ng TV Patrol, nag-sign ng three-year Kapamilya contract ang singer na si KZ Tandingan. Aniya, “Napakaganda ng pagkalatag ng Panginoon sa mga panahon na binigyan Niya ako ng mga tao na yun ang maga-guide sa akin.”

Inamin din niya na ilang beses na niyang sinubukan mag-quit sa pagkanta pero pinaghugutan niya ng lakas ang kanyang pamilya. “Sabi ng Daddy ko, there’s something you’re not telling us. Alam nila na may pinagdadaan ako... the moment na nag-open up ako sa kanila, gumaan yung pakiramdam ko.”

Okay na ngayon si KZ at energized na siya para sa kanyang concert. Marami din ang nagtatanong kung special guest ni KZ si British pop singer Jessie J na naging kaibigan ni KZ sa show na Singer 2018. Aminado naman si KZ na ilang beses na niya itong tinext. “Makikita mo kasi pag seen na, tapos kinakabahan ako...”