• Home
  • Fresh Scoops
  • Korina Sanchez, papayag na maging ninang ng pangalawang anak nina James Yap at Michela Cazzola

Korina Sanchez, papayag na maging ninang ng pangalawang anak nina James Yap at Michela Cazzola

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/11/2018 8:52 AM
Korina Sanchez, papayag na maging ninang ng pangalawang anak nina James Yap at Michela Cazzola


Photo credit: @jamesyap18 (R)/ thisiskorinasanchezroxas (L) on IG

 

Natanong ng PEP ang Rated K host na si Korina Sanchez kung papayag ba siya sakaling kunin siyang ninang (godmother) nina James Yap at Michela Cazzola para sa kanilang pangalawang anak.

“Tatanggapin ko,” ani Korina.

Matatandaang naging matunog ang pangalan nina James at Korina matapos ma-feature ang basketball player at ang kanyang anak kay Michela na si MJ sa programa ni Korina dahil na rin ito sa naging pasaring ni Kris Aquino sa kanya.

Read: Kris Aquino apologizes to Noynoy, Mar and President Duterte

Bagamat hindi naman direktang pinangalanan ni Kris si Korina, sinabi ng Queen of Social Media na hindi niya nagustuhan ito at tila natraydor siya.

Si Kris ay dating asawa ni James at may anak sila na si Bimby.