• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang mga bagong discoveries niya kay Richard Yap

Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang mga bagong discoveries niya kay Richard Yap

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/11/2018 9:20 AM
Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang mga bagong discoveries niya kay Richard Yap


 

Aminado si Jodi Sta. Maria na lead star ng top-rating morning teleserye Sana Dalawa Ang Puso na challenging ang kanyang mga roles bilang si Mona at si Lisa.

“Mahirap siya especially ngayon tatlo sila. Meron kang Mona, meron kang Lisa, at meron kang Mona na nagpapanggap na siya si Lisa. So it’s just siguro when you come to the set kailangan ko i-condition ang sarili ko kung sino ba ako today...pero masaya siya. Challenging,” sabi ni Jodi.

Dahil ito ang pagbabalik tambalan nila ni Richard Yap, kuwento ni Jodi na marami pa silang mga bagong discoveries sa isa’t isa.

“We’ve been together for so long, we’re more open to each other. We speak more freely; we have a deeper friendship.

“Ang na-discover ko kay Richard, at his age napaka-sharp pa ng memory (laughs). Uy compliment yun! Through the years, si Richard nag-improve siya as an actor,” pahayag pa ni Jodi.

Marami pang mga pasabog at bagong twist ang dapat abangan sa Sana Dalawa Ang Puso bago mag It’s Showtime.