Ian Veneracion, iiwan muna ang pag-arte?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/11/2018 9:16 AM
Ian Veneracion, iiwan muna ang pag-arte?


 

Abala ngayon ang kapamilya leading man na si Ian Veneracion sa paghahanda para sa Manila leg ng kanyang concert na Ian In 3 Acts.

 

Soooo excited to do Resorts World on sunday, May 13 8pm🎼🎸🎹🎶

A post shared by Ian Veneracion (@ianveneracion1) on

 

Kuwento ni Ian, nag-aadjust pa siya bilang singer-performer kaya nahihiya pa siya imbitahan ang kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz tulad nila Jodi Sta. Maria at Bea Alonzo na kanyang nakasama sa mga kapamilya shows.

“Nahihiya ako mag-imbita sa kanila kasi alam ko busy ang schedule nila at conscious lang ako. Kakanta ako eh nahihiya ako lalo na kay Bea and Jodi.”

Mula sa pagiging aktor at painter, pagiging singer ang focus ni Ian sa ngayon.

“Ako nae-enjoy ko lahat kasi may break from each other. If I have nothing to do but paint and won’t go to taping, I’m sure magsasawa din ako. So maganda yung paiba-iba lang din na mami-miss ko mag-paint, mami-miss ko mag-taping, mami-miss ko mag-music. Ganun lang naman,” sabi pa ni Ian.

Asahan din daw sa concert ang espesyal na Mother’s Day gift ni Ian para sa kanyang misis.

Mapapanuod ang Manila leg ng Ian In 3 Acts Concert sa May 13, Mother’s Day sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.