Sarah Geronimo reveals who fills her ‘emptiness’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/10/2018 9:21 AM
Sarah Geronimo reveals who fills her ‘emptiness’


 

Matagumpay na tinapos ni Sarah Geronimo ang kanyang THIS I5 ME tour sa Amerika. Ibinahagi din niya sa kanyang audience sa New York show ang dahilan kung bakit siya naging emosyonal nang mag-concert siya sa Las Vegas. Sa New York ang huling bahagi ng kanyang North America tour.

Sa video na kuha ng isang netizen, ipinaliwanag niya na ang “emptiness” na kanyang naramdaman ay mapupunan lamang ng Diyos.

"Hindi love life, hindi success sa trabaho, hindi pera ang makakapagbuo sa 'yo, kundi relasyon mo talaga sa Panginoong Diyos.

"Aminado po ako, minsan, madalas, nalilimutan ko po na talagang, 'Lord, ikaw lang ang makakapagpuno sa emptiness na nararamdaman ko sa puso ko.'"