• Home
  • Fresh Scoops
  • Riva Quenery, sinagot ang issue tungkol sa naging bangayan nila ni Barbie Imperial

Riva Quenery, sinagot ang issue tungkol sa naging bangayan nila ni Barbie Imperial

Sinabi ng dating Girltrend member na masaya siya sa tinatamasang tagumpay sa career ni Barbie ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/10/2018 2:36 PM
Riva Quenery, sinagot ang issue tungkol sa naging bangayan nila ni Barbie Imperial


Photo credit: @riva (L)/ @msbarbieimperial (R) on IG

 

Nilinaw ng former Girltrend member na si Riva Quenery ang naging awayan nila noon ni Barbie Imperial sa social media. Ayon pa sa kanya pinagtatawanan na lang nila ni Barbie ito.

Nakilala si Riva at Barbie sa Kapamilya noon time show na It’s Showtime bilang mga miyembro ng girl group na Girltrends.

“Opo sobrang okay na po namin, pinagtatawanan na lang namin ang mga pinaggagawa namin last year. Sinara na po namin ang isyu na yun, ayaw na po namin palakihin. Mali naman din po kaming dalawa na sa social media pa namin pinag-usapan,” paliwanag ni Riva.  

“Actually I’m super happy for Barbie, proud ako sa kanya ngayon,” sambit pa niya. 

At kahit na kapwa abala na sa kani-kanilang mga career, thankful pa din daw si Riva na naging okay sila ni Barbie.

“Lahat naman siguro ng magkakaibigan, dumadaan sa hindi pagkakaunawaan, pero thankful po ako na naging maayos po kaming dalawa ni Barbie,” sabi ni Riva. 

Samantala, no hard feelings naman daw si Riva sa pagkakatanggal niya sa It’s Showtime dahil sa management decision na magbawas ng Girltrend members.

“Noong una po sobra pong sakit sa akin kasi araw-araw po ako pumapasok sa It’s Showtime, parang kasama na sa din sa routine ko ang show. Masaya din po ako noon kasi first love ko po ang pagsasayaw,” paglalahad ni Riva. 

“Pero nung sinabi na management decision, Hindi ko na lang po siya inisip in a negative way kasi inisip ko na lang na mas maraming plano sa ‘kin si God and that time po nag-uumpisa na ako sa digital channel ko which is masaya naman ako kung ano ang meron ako sa ngayon,” dagdag pa nito.

Sa ngayon aktibo na si Riva bilang isang certified Youtuber at bilang isang social media influencer. 

Iniimbitahan ni Riva ang kanyang mga followers at taga-hanga sa kanyang unang concert na titled RIVLOG Live sa darting na May 27, sa SkyDome ng SM North Edsa.