• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal on making her firstborn feel important: ‘Hindi ko makuhang mapabayaan si Pele’

Jolina Magdangal on making her firstborn feel important: ‘Hindi ko makuhang mapabayaan si Pele’

Momshie Jolina, may tip sa mga ina kung paano pahalagahan ang kanilang mga panganay na anak.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/10/2018 2:09 PM
Jolina Magdangal on making her firstborn feel important: ‘Hindi ko makuhang mapabayaan si Pele’


Photo credit: @mariajolina_ig on IG

 

Sa Magandang Buhay, mas maselan diumano ang second pregnancy ni Jolina Magdangal, kaya mas inaalagaan niya ang sarili niya ngayon. “Yung spotting mas madami ngayon kaya mas iniingatan ko pero...(kahit na) mas marami akong nararamdaman ngayon na hindi okay mas hindi ko naman naramdaman na ang haba nung nine months,” kwento niya sa episode kanina, May 10.  

Ngunit kahit na may mga physical difficulties si Momshie Jolina sa kanyang second pregnancy, natutunan daw niyang mag-multi-task at huwag pa rin pabayaan ang first born na si Pele. 

“Habang inaalagaan ko yung sarili ko at yung safety ng dinadala ko, hindi ko makuhang mapabayaan si Pele. Gusto ko pa rin akuin yung pag-aalaga sa kanya,” dagdag pa nito.  

Ayaw din ni Momshie Jolina na maramdaman ni Pele na nababalewala na siya dahil magkakaroon na siya ng baby sister. 

“Parang nireremind ko pa rin siya lagi na love ko siya, kasi ayaw kong ma-feel niya ever, kahit konti na may pangalawa na, ano nang nangyari sa akin? Kaya sinasama ko siya sa pag-alaga ng tiyan ko. Parang ganun,” sabi ng aktres.