• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sofia Andres, nagsalita tungkol sa maagang pagkawala ng karakter sa ‘Bagani’

EXCLUSIVE: Sofia Andres, nagsalita tungkol sa maagang pagkawala ng karakter sa ‘Bagani’

Hindi na rin daw binabasa ni Sofia Andres ang mga comments ng mga bashers.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/10/2018 9:44 AM
EXCLUSIVE: Sofia Andres, nagsalita tungkol sa maagang pagkawala ng karakter sa ‘Bagani’


Photo credit: @sofia (L) on IG

 

Nagpo-post pa rin si Sofia Andres sa kanyang social media account pero as much as possible ay iniwasan na raw niyang basahin ang comments ng kanyang mga bashers.

“Dati kasi po nagbabasa po ako. Pero wala po, okay na po yon. Eh, hindi rin naman po ako kilala. Pero nung first time ko silang nabasa, naiyak pa nga po ako, eh.

“Pero sanayan din lang po pala lang dito sa showbiz. Sanayan lang pala,” realization ni Sofia.

Ano ba ang pinakamasakit na comments na nabasa niya from bashers?

“Ang dami po, eh—walang modo, prima donna—madami pa, eh,” sagot ng dalaga.

Eh, paano ba niya ina-address yung mga ganung isyu?

Yung mommy ko ang worried nung lumabas po yon. Sabi ko sa mommy ko, ‘Ma, makakalimutan din nila yon, saka lagi namang meron room for improvement, eh. Ganun naman yon, eh,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Sofia, “May purpose po siya kaya siya napansin. Kasi kung hindi siya napansin and I’m still doing it baka…”

May mga natutunan ba siya sa mga nangyari?

“Opo naman. Opo naman. Kaya nga po hindi ko siya masyadong dinadamdam. I just take it in a positive way kasi don din ako matututo,” she said.

Babalik pa ba ang karakter niya bilang si Mayari sa Bagani?

“Sana po. Pero kasi, nakaplano siya talaga na ganun po. Sinabi po yon from the very start. Sabi ko, kailan kaya ako mamamatay, so seventh week na pala yon, ang bilis pala. Pero okay lang, at least I was a part of it.

“Ang nakaka-miss lang po talaga ang mag-taping sa Bagani kasi lahat naman po sila friends ko talaga,” huling pahayag niya sa PUSH.