• Home
  • Fresh Scoops
  • Ebe Dancel, ibinahagi ang kanyang naramdaman nang humiwalay sa bandang Sugarfree

Ebe Dancel, ibinahagi ang kanyang naramdaman nang humiwalay sa bandang Sugarfree

Sinabi rin ng dating lead singer ng Sugarfree na na-realize niya kung gaano siya kahina matapos humiway sa banda.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/10/2018 5:05 PM
Ebe Dancel, ibinahagi ang kanyang naramdaman nang humiwalay sa bandang Sugarfree


 

Sa Tonight with Boy Abunda, kinuwento ni Ebe Dancel ang istorya sa likod ng ilan sa kanyang mga hit songs. Ang “Prom” ay sinulat niya dahil sa frustration niya noong high school sa isang babae. 

“I was in love with someone and this guy stole her, so I never got to the prom with her,” paglalahad niya kay Boy Abunda.  

Ang “Wag Ka Nang Umiyak “ naman ay isinulat ni Ebe para sa kaibigan niyang iyakin. Umiiyak daw ito kahit makapanuod lang ng masamang balita sa TV o makakita ng asong pilay. 

“So I decided to write a song for her, para pag iiyak siya ipe-play ko na lang,” 

Isa din ang “Wag Ka Nang Umiyak” sa pinakamabilis na kantang naisulat niya dahil natapos niya ito sa loob ng ten minutes. Rebelasyon ni Ebe, “I feel like I even didn’t write the song. It was God’s message passing through me talaga.”  

Natanong din si Ebe kung nadiskubre niya ang lakas niya matapos siyang humiwalay sa bandang Sugarfree, pero ang sagot ng singer, “I discovered how weak I am. Tiningnan ko lahat ng bad mistakes ko, how I used to treat people...kung maayos kang makitungo sa tao maayos talaga ang mundo. That’s how I build my new home, sabi nga nila, brick by brick.”