• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli sinabing okay na ang girlfriend na si Sarah Geronimo ngayon

Matteo Guidicelli sinabing okay na ang girlfriend na si Sarah Geronimo ngayon

Plano din ni Matteo na magbakasyon kasama ang girlfriend pagkatapos ang 15th Year Anniversary Concert Tour nito sa America.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/1/2018 3:54 PM
Matteo Guidicelli sinabing okay na ang girlfriend na si Sarah Geronimo ngayon


Photo credit to @popstarprincess IG

 

Nagbigay ng pahayag ang Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli sa blogcon ng kanyang movie na Single Single matapos pag-usapan ang emotional video ng girlfriend na si Sarah Geronimo, kung saan nag-break down ito habang nasa concert sa America.

Kasalukuyang nasa America si Sarah bilang bahagi ng kanyang This Is Me 15th Year Anniversary Concert US tour.

READ: Sarah Geronimo breaks down on US concert tour stage 

Update ni Matteo, maayos na daw ngayon ang lagay ng girlfriend ng huli niya itong nakausap.

“She’s very busy right now for her 15th year anniversary tour and she was tired from show to show so she had an emotional show the other night,” bungad na kwento Matteo. “It’s just that I feel like I want to be there to comfort her in anyway I can,” dagdag pa nito.  

Ayon pa kay Matteo, plano niyang ipasyal si Sarah pagkauwi nito sa Pilipinas para makapagpahinga.

“That what she has to do, a break from work because she’s always busy,” sambit pa ni Matteo.

Thankful din si Matteo sa mga positibong mensahe na ipinapadala ng kanilang mga kaibigan na nakatulong para mas maging okay ngayon ang girlfriend.

“Yeah of course. We’re all here, a lot of our friends and friends from the industry of course, sends me text and I forward it to her,” sabi pa ni Matteo.

Inassure din ni Matteo ang mga taga-subaybay ni Sarah na mas maayos at masaya na itong muli.

“She’s happy na she got some time to rest,” huling pahayag ni Matteo.